Iyak


Isa akong iyakin na tao, ngunit madalas ay kinukubli ko ito. Madali akong umiiyak sa mga pelikula na pinapanood ko lalo kung ito ay lovestory. Madali kasi akong masaktan, hahahaha. Isa akong sensitive na tao, kaya madali din akong mapaluha ng mga salita o kilos na nakakasakit. Pero sa bawat pagpatak ng aking luha, may natutunan ako.

1. Huwag kang iiyak ng sobra sobra sa gabi kapag ikaw ay may pasok o lakad kinabukasan. Super obvious na ikaw ay umiyak. At ang pangit ng mukha mo, hindi sya kakayanin kahit magconcealer ka pa.

2. Kung iiyak ka ng gabi, agahan mo. At un may poise na iyak, un dahan-dahan na pag patak ng luha. Huwag mo agad ipipikit ang mga mata mo para hindi ito mamaga.

3. Kung iyakin ka, huwag makipagkwentuhan o usap ng mga problem kapag nasa public place ka. I tell you, hindi mo kayang pigilan ang pag-patak ng luha kapag nalulungkot ka. kaya huwag makipagtext o usap na problema o madamdaming bagay ang topic.

4. Kung gusto mo lang umiyak ng umiyak na may kasama, tumawag ng kaibigan na handang hindi magsalita. Iyong hahayaan ka lang maglabas ng lahat ng luha mo.

5. Eto ang pinakamaganda sa lahat, iiyak mo lahat ng nararamdaman mo kay God. Iiyak mo lang, ilabas mo lang at pagkatapos magbasa ka ng Salita Niya sa Biblia. At maririnig mo ang Kanyang nais sabihin. (pwede ka rin umiyak while playing a christian lyrics song)

Iyakin ako, pero few people witness it. Hindi ako basta basta nagpapakita ng luha sa labas. Pero, hindi ako nahihiya na umiyak kay God kasi alam ko naiintindihan Niya ako.

John 11:35
Jesus wept.

Comments

moneng said…
clarej, ayus huh,, hehehe may natutunan ako sa natutunan mo..isa rin akong iyakin na bata, pero kapag gusto mo na may maiiyakan,nandito rin ako, iyak nlang tayong dalawa, hehe jokeness!.,. labya sis.,..mwuaaaah

ps.. nakakatawa ung word na kailangan kong i-verify, MUTERA hahaha ayus! sakto!...E nalang para EMUTERA..hahaha

Popular Posts